parang kahapon lang..
na nagkasamasama tayo bilang isang grupo..
pero ngayon na tapos na ang sem..
nakapagpaclear na tayo..
naipasa na ang unknown bacteria.. Bacillus sp pa rin siya.
naisara na ang cabinet..
magpapahinga na sa wakas ang autoclave..
masasabi ko na nag-enjoy ako sa company nyo.
oo nga at hindi naman tayo ang typical na grupo.
lalo namang hindi tayo ang pinaka magaling
pero.. hindi ako nagsisisi na kayo ang mga naging kagrupo ko..
hindi na ngayon..
sapagkat dahil sa inyo ay mas nakilala ko ang sarili ko..
at ngayon ay masasabi ko na sa sarili ko na mamimiss ko kayo
ang mga tsismisan natin sa klase.. kasama si ma'am
ang mga tsismisan pagkatapos ng klase
ang mga pagpapagabi para sa experiments
ang pang-iinis kay jaja
ang pagsterilize
ang pagdecontam
ang mga nabasag na glassware
ang mga tampuhan
at mga pagbabatian..
oo nga at hindi naman tayo lubos na maghihiwalay,
ngunit iba na muli ang magiging pakikitungo natin sa isa't - isa
hindi na tayo magpapagabi para lamang magkwentuhan
hindi na tayo magtatawanan sa thesis room
marami na tayong hindi magagawa ng sama-sama
ngunit nais kong malaman nyo na minahal ko kayo bilang mga ka-grupo ko..
bilang mga kaibigan ko..
mga ka-microbes ko..
|